Mga Awit 150
- 1Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
- 2Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
- 3Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak: purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
- 4Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw: purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta.
- 5Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo. Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
- 6Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon.