Mga Awit 130
- 1Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
- 2Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik.
- 3Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo?
- 4Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan.
- 5Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako.
- 6Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
- 7Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
- 8At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan.