Mga Awit 129
- 1Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel,
- 2Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
- 3Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
- 4Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama.
- 5Mapahiya sila at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
- 6Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki:
- 7Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
- 8Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.