Mga Panaghoy 5
- 1Iyong alalahanin, Oh Panginoon, kung anong dumating sa amin: iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta.
- 2Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa, ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan.
- 3Kami ay mga ulila at walang ama; ang aming mga ina ay parang mga bao.
- 4Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi; ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin.
- 5Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg: kami ay mga pagod, at walang kapahingahan.
- 6Kami ay nakipagkamay sa mga taga Egipto, at sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay.
- 7Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan.
- 8Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.
- 9Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay, dahil sa tabak sa ilang.
- 10Ang aming balat ay maitim na parang hurno, dahil sa maningas na init ng kagutom.
- 11Kanilang dinahas ang mga babae, sa Sion, ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.
- 12Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay: ang mga mukha ng mga matanda ay hindi iginagalang.
- 13Ang mga binata ay nangagpapasan ng gilingan, at ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy.
- 14Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan. Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin.
- 15Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.
- 16Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo: sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala.
- 17Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata;
- 18Dahil sa bundok ng Sion na nasira; nilalakaran ng mga zora.
- 19Ikaw, Oh Panginoon, nananatili magpakailan man: ang iyong luklukan ay sa sali't saling lahi.
- 20Bakit mo kami nililimot magpakailan man, at pinababayaan mo kaming totoong malaon?
- 21Manumbalik ka sa amin, Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik: baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una.
- 22Nguni't itinakuwil mo kaming lubos, ikaw ay totoong napoot sa amin.