Job 25
- 1Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
- 2Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya; siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga mataas na dako.
- 3May anomang bilang ba sa kaniyang mga hukbo? At doon sa hindi sinisikatan ng kaniyang liwanag?
- 4Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.
- 5Narito, pati ng buwan ay walang liwanag, at ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin:
- 6Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod! At ang anak ng tao, na isang uod!