Mga Kuwentong Buhay

Mga Awit 67

  1. 1Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami, at pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)
  2. 2Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa.
  3. 3Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan.
  4. 4Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
  5. 5Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan.
  6. 6Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga: ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
  7. 7Pagpapalain kami ng Dios: at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya.