Mga Kuwentong Buhay

Mga Awit 6

  1. 1Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong galit, ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
  2. 2Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.
  3. 3Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam: at ikaw, Oh Panginoon, hanggang kailan?
  4. 4Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.
  5. 5Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?
  6. 6Ako'y pagal ng aking pagdaing; gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.
  7. 7Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan; tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.
  8. 8Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan: sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.
  9. 9Narinig ng Panginoon ang aking pananaing; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.
  10. 10Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam: sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat.