Mga Awit 134
- 1Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon. Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.
- 2Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario, at purihin ninyo ang Panginoon.
- 3Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion; sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.