Mga Awit 124
- 1Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon,
- 2Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
- 3Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
- 4Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
- 5Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
- 6Purihin ang Panginoon, na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
- 7Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli: ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
- 8Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa.